Linggo, Enero 13, 2013

sinag sa karimlan


buod ng sinag sa karimlan

May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak. 
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya.
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. 
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya.
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw.
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya..
Nakita ni Mang Luis ang mukha ni Tony na may luha kaya nilapitan niya ito. Niyapos, sinuyo at niyakap niya ng napakatagal ang anak.



pinagkuhanan:answers.com/Q/Buod_ng_sinag_sa_karimlan

Sinag sa Karimlan
Natutunan ko sa akdang ito na kahit gaano kalaki ang kasalanan ng ating magulang nagagawa natin silang patawarin dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo mananatiling magulang parin natin sila.at obligasyon nating intindihin sila bilang mga magulang natin.



banaag at sikat





Banaag at Sikat
Natutunan ko sa akdang ito na ang pagkakaibigan ay di nakabatay sa katayuan ng buhay.dito ipinakita ng dalawang magkaibigan ang kanilang parehong adhikain kahit magkaiba ang kanilang paniniwala.


tata selo








Tata Selo
Natutunan ko sa akdang ito namay iilan paring katiwalian sa ating lipunan.ang mga mahihirap ay nananatiling walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa may mataas na pusisyon.


sa pula sa puti













Sa pula,sa puti
Natutunan ko sa akdang ito na ang pagsusugal ay walang magandang maidudulot sa isang tao.Ito`y nakakasira ng buhay at pamilya.Maraming nahuhumaling sa pagsusugal dahil inaakala nilang solusyon ito sa kahirapan ngunit ito`y kabaliktaran ng kanilang inaakala.



mabangis na lungsod







Mabangis na lungsod
Nalaman ko sa akdang ito na may mga tao parin pala na mapang-abuso sa kapwa.kahit may kakayahan silang makapaghanap ng trabaho.at isa pa ang mga kabataan ay hindi dapat pinababayaan.nakita ko rin na ang sitwasyon sa akda ay may koneksiyon sa lipunan na meron tayo ngayon.

ang kalupi







Ang kalupi.
Ang natutunan ko sa akdang ito ay hindi dapat tayo basta-basta nanghuhusga ng panlabas na kaanyuan ng isang tao.mas makakabuting alamin muna natin ang katutuhanan bago tayo magbigay ng opinion.sa akdang ito matutunan natin na ang pagsisisi lagging nasa huli.

Martes, Oktubre 9, 2012

dekada 70


dekada'70 
nagpapakita na ang mga kabataan ay mulat na sa kalagayan ng ating bansa.