buod ng sinag sa karimlan
May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak.
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya.
Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat.
Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob. Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad. Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya.
Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw.
Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena. Kinausap ni Padre Abena si Tony ngunit talagang ito'y galit na galit. Nang makita ni Miss Reyes si Tony ay kanya itong sinabihan kaya humingi ng tawad si Tony at tinanggap naman ito ni Miss Reyes. Sinabihan ni Padre Abena na kung si Miss Reyes nga ay nakapagpatawad e siya pa kaya..
Nakita ni Mang Luis ang mukha ni Tony na may luha kaya nilapitan niya ito. Niyapos, sinuyo at niyakap niya ng napakatagal ang anak.
pinagkuhanan:answers.com/Q/Buod_ng_sinag_sa_karimlan
Sinag sa Karimlan
Natutunan ko sa akdang ito na kahit gaano kalaki ang
kasalanan ng ating magulang nagagawa natin silang patawarin dahil kahit pagbali-baliktarin
man ang mundo mananatiling magulang parin natin sila.at obligasyon nating
intindihin sila bilang mga magulang natin.